Sino Ang Mas Nakakatulong Kay Escudero?
Nakarating sa aking atensyon ang isang Facebook entry na ito mula sa isang taga-suporta ni Senador Francis Escudero. Mula ito sa isang Annie Reyes. Narito ang buong tugon niya sa aking blog entry na ginamit ng inquirer.net para sa kanilang Being Filipino blog.
To LPGD:Dahil hindi patok sayo ang mga sagot ni Chiz sa forum at pinalakpakan siya ng masa, mga bobo na ang mga supporters niya? Hindi ikaw ang pinaka-matalinong tao sa balat ng lupa.
Mahirap aminin para sayo na malakas talaga si Sen Chiz kasi ang manok mo nakahilera kay GMA, Gi Boo! Mantakin mo maski tingin mo walang kwenta ang mga sagot ni Chiz , pero sayo na rin nanggaling, malakas ang palakpak sa kanya. Dapat mag-isip ka ng mas malalim at hindi para kang bobo na konklusyon na sayo, bobo ang supporters niya.
Bakit? Simple lang yun, mas naniniwala at nagtitiwala ang karamihan kay Sen. Chiz. Mas madali maunawaan ang mga sagot niya. Abot niya ang kamalayang pinoy . Sambot ng masa ang gustong ipunto ni Sen Chiz sa mga tanong na ibinabato sa kanya. Sinasagot lang niya ang tanong sa magaang na pangungusap at madaling maintindihan ng masa.
Sa mga sagot at simpleng sundot ni Sen. Chiz laban kay GMA, na kung saan malakas ang palakpak ng tao, hindi kasalanan ni Sen. Chiz na palakpakan siya ng manonood dahil totoo namang maraming galit kay GMA ngayon, ah? Totoong ginalit ni GMA ang sambayanang Pilipino kaya mas marami ngayon, nais makiaalam at makisali para sa pagbabago sa taong 2010.
Consistent lang si Sen Chiz, mula noon hanggang ngayon, na siya ang kinikilalang tunay na kaalyado ng taumbayan laban sa maling gawain ni GMA. Uhaw ang tao sa tunay na kaalyadong lider na lumalaban sa mga mababangis sa pwesto, swapang sa pera ng bayan, nanggigipit ng mga maliliit na mamamayan at kung magkaminsan, pinipitik rin ang may mga sinasabing mamamayan na lumalaban sa tropa ni GMA. At nakikita naming ang katauhan iyon kay Sen Chiz. Iyon ang partida niya.
Kaya pag buka ng bibig niya sa bawat sagot sa tanong, bawat pagsaltik niya, sa pagtahimik niya, pag ngiti niya sa bawa’t katanungan, nakukuha ng masa ang ibig niyang sabihin at kaisa niya ang tao.
Likas na magaling mag-isip, magsalita at makakuha ng atensyon si Sen Chiz, kaya pasensiya ka kung mas marami naniniwala sa kanya. Hindi lahat ng masa nagbabasa ng blogs. Mas malakas pa rin ang sigaw ng taumbayan sa lansangan, palengke, iskinita, kalye, barong-barong , eskuwelahan, kaya pasensiya ka kung mas marami ang bilib kay Sen. Chiz pag dating sa mga gayang usapan.
Walang kasalanan si Sen Chiz, na ng nagsabog ng karisma ang Maykapal, ay nakasalo siya ng malaking porsyento nito, na wala kay Gi Boo at kapos ang iba . Hindi rin niya kasalanan na sa paraan ng pagsagot niya ay magpalakpakan, magsisipol at magsigawan ang manonood, kasi likas niyang talento iyon na alam niya kailan niya gagamitin. Marami sa kanila kapos sa karakter na ito, kaya hindi kataka taka na ang iba di patok sa masa.
Ang simple ng mga tanong sa forum, hindi na kailangan ng malalimang sagot yun. Halimbawa, ano ang huling napanood mong sine. Nagsabi lang siya ng totoo, Kasal, Kasali, Kasalo. Ano ba yan, pati ba naman dun dapat magpakaseryoso pa si Idol ng papanoorin niya. Ang panonood ng sine ay pag aaliw, pagtakas pansamantala sa kasalukuyang pangayayari sa buhay buhay , alangan naming limitahan pa rin niya ang sarili niya sa panonood ng mga pelikulang magbibigay ng leksiyon “Paano ang pagiging presidente, ang pamamahala bilang presidente, eh kung hindi naman yun ang huling pinanood niya. Malay ba natin, noon ay napanood na niya ang mga ganoong pelikula. Nagpakatotoo lang siya sa oras na yon iyo ang huli niyang napanood. At na pick-up ng masa, na simpleng tao pa rin siya na kailangang mag-aliw, na pwede siyang makausap sa kanto, maka-talamitam sa mga isyung magaang at di kumplikado para sa araw araw na buhay. May buhay at pamilya siya pagkatapos ng maghapong pagtatrabaho sa senado, huwag iyon ipagkait sa kanilang mambabatas.
Sa tanong na kung sasama siya sa lapian ni Manny Paquiao kung saka-sakali? Sumagot lang si Sen. Chiz , na ayon sa dikta ng gusto niya, Oo kung ito ay angkop sa paniniwala niya at ito ay makakatulong sa ikagaganda ng bayan pero wag lang isasama. ang nasa Malacanang.. Hindi niya minenos ang kakayahan ni Manny P. bagkus kinilala niya ang kakayahan at pwedeng kontribusyon ni Manny sa bayan. Subalit, sinabi rin niya ang gusto niya na ayaw niya kasama ang nasa Palasyo. May mali ba don? Wala di ba? Ayaw niya kasama si GMA, kasi may foresight at consistent lang si Sen Chiz. Hindi niya kailangang makisakay sa limelight ni Manny P., gaya ng ginagawa ng iba. Simpleng tanong simpleng sagot lang ang binigay niya.
Ano pa? Kung susuportahan niya ang prosecution ni GMA? Tama naman ang sagot ni Sen Chiz na hahayaan niyang managot ang may sala at gumulog ang hustisya sa magiging administrasyon niya kung sakaling tumakbo at manalo siya .
Bakit hindi direktang sinagot yon ni Among Ed, sa halip iniliko niya ang sagot sa kaso ng mga ibang tao na sana raw gumulong ang hustisya rin para sa kanila. Ang tanong lamang ay ang kaso ni GMA. Simpleng tanong simpleng sagot lang dapat.
Ano naman ang sagot ni Gi Boo? Oo, susuportahan niya ang imbestigasyon , KUNG hindi haka haka at kuro kuro ang kaso. Putek, sisihin pa ang mga hapong sila HAKAHAKA at KUROKURO. Lumabas na si Garci sa tape, nalimas na ni Jocjoc ang pera sa fertilizer fund scam bago ang election, kumanta na si Lozada,bumigay na si Abalos at Jdv sa Chinese deal nila, sila HAKAHAKA at KUROKURO pa rin pala ang may kasalanan. Walang pag asa kay Gi Boo na mananagot pala si GMA kung ganon! Patay tayo kay Gi Boo.
Ayan ba ang magandang sagot ni GI Boo? Kala ko matalino siya? Ganyan ba ang matalino, kayhina sa pulsuhan sino ang tama at sino ang gusto ng masa. Sipsip siya at puro pagtatanggol lang kay GMA ang kaya niya. Kahanga hanga ba yun? Na ang dinidiyos niya, uunahin niya si GMA na isang mandaraya, kunsintidor sa mga magnanakaw at isang pambansang sinungaling. Aba, pag siya ang malas na naiupo sa Palasyo sa 2010, itutuloy lang niya ang pagpapahirap ni GMA sa bayan. Ded ang taumbayan kay Gi Boo.
At bakit naman kami matutuwa sa mga sagot ni Gi Boo, ang mga porsyentong contribution ni GMA? Talaga naman dapat yun ang unang gawain ni GMA bilang presidente, ang paangatin ang kabuhayan ng gobyerno at mamamayan. Lahat ng pangulo dapat mag- accomplish ng ganun. Walang extra ordinary dun sa sagot ni Teodoro na yun at sa gawain na yun ni GMA, hindi dapat hangaan yun. Mababasa natin yun sa intenet at mga diaryo, pero ibang usapan kung papaniwalaan natin yun.
Sa totoo lang, nakakabanas ang sagot niya, dahil hindi nararamdaman ng maliliit na tao ang mga porsyentong sinabi niya kung akma sa araw-araw na takbo ng buhay natin. Marahil sa taas ng EVAT nila, ang kaban ng bayan umaapaw, pero kinukupit din ng mga namumuno.
Zero karisma si Gi Boo. Hindi siya nakaka- inspired pakinggan. Bagsak si Gi Boo para sa akin. Pero hindi ko idadamay ang mga naniniwala sa kanya na memenosin ko sila at sasabihang bobo ang naniniwala kay Gi Boo. Lahat tayo may karapatang mamili sino ang papanigan, papaniwalaan at pagtitiwalaan.
Marami sa supporters ni Sen Chiz, hindi mahilig mag-participate sa mga ganitong blogs dahil, una, may napili na kaming magiging lider sa 2010, at iyon ay si Sen Chiz. Magbasa man sila ng mga ganitong usapan, hindi na rin naman mababago ang aming paniniwala at pagtitiwala kay Sen Chiz. Habang tinitira si Sen Chiz ng mga ganitong blogs, lalong lumalakas siya sa mata namin, kasi binabato talaga ang mabungang puno.
Kaya pasensiya ka kung kakaunti lang ang mapapaniwala mo laban kay Sen Chiz. Kasi kami desidido na kay Sen Chiz para sa 2010 Presidency.
Mabuti pa paangatin mo ang manok mo sa pagsasabi ng magagandang nagawa niya kaysa batuhin mo ang mga presidentiables at supporters nila na hindi patok sa panlasa mo, baka sakali makakuha ka pa ng maniniwala sayo…maski konti!
Naiintindihan ko kung saan nagmumula si Annie. Naiintindihan ko na hindi maganda sa kanyang pandinig ang mga pinagsasabi ko sa aking blog entry dahil taga-suporta siya ni Escudeo. Maaari kong respetuhin iyon. Hindi ko nais makipag-away sa mga tagasuporta ni Escudero o kanino man.
Sinimulan ko ang blog na ito na ang layunin ay ang bigyang pansin ang mga bagay bagay tungkol sa ating bansa na maaari pa nating ayusin. Nagbibigay ako ng aking mga obserbasyon at mga suhestyon. Sa lahat ng ito iisa lang naman ang aking pakay ang makatulong sa sarili kong paraan para sa ikauunlad ng ating bayan at ang naisip ko ngang paraan ay ang magsimula ng mga diskusyon tungkol sa mga isyu.
Hindi naiwasan na mahagip ko maging ang mga politikal na usapin lalo pa’t iyan naman ang mainit na isyu ngayon dahil nalalapit na nga ang halalan. Sa totoo lang ayaw ko nga sanang makisawsaw sa mga usaping politikal ngunit narito na tayo kaya’t panindigan na lang natin. Naisip ko na lamang na gawin kong advocacy ang manghikayat ng mga botante na maging mas mapanuri.
May ilang bagay na kailangan linawin sa puntong ito. Sana mabasa mo ito Annie. Kung nais mo ring magbigay linaw bukas din para sa iyo ang blog kong ito.
Una. Kung babasahin mo ang lahat ng mga blog entry ko kahit saan wala kang makikitang indikasyon kung sino nga ba ang aking sinusuportahang kandidato.
Pangalawa. Sino nga ba ang manok ko? Ako lamang ang nakakaalam at wala akong intensyon na ipangalandakan kung sino ang aking iboboto.
Pangatlo. Bakit nga ba hindi ko sabihin kung sino ang sinusuportahan ko? Dahil hindi mahalagang ipangalandakan ko iyon at nais kong maipagpatuloy ang aking layunin na makapanghikayat ng mga botante na maging mapanuri kahit sino pa man ang kanilang napupusuang kandidato.
Pang-apat. Patas ako sa lahat ng mga kandidato at politiko. Lahat sila hindi ko pinagkakatiwalaan. Di tulad ng ibang blogger (at marami sila) hindi ako tagapagsalita ng sinumang kandidato o politiko. Wala akong interes na pinoprotektahan. Sa katunayan makailang beses na rin akong inalok na tumulong sa cyber-campaign ng ilang politiko ngunit tinaggihan ko kahit pa makakatulong sa akin ang perang ibabayad. Hindi ako bayarin ganoon kasimple.
Pang-lima. Ayaw ko ba kay Escudero? Hindi ko masasabing ayaw ko kay Escudero. Sa katunayan ibinoto ko rin siya noong tumakbo siya sa pagka-senador. Ang hindi ko lang gusto sa kanya sa ngayon ay ang patuloy niyang pagsakay sa sentimyentong kontra kay Pangulong Gloria Arroyo.
Bakit hindi ako sangayon dito? Simple lang Annie. Ang eleksyon ay tungkol sa kinabukasan, hindi sa kasalukuyan at lalong hindi sa nakaraan. Ang pinakamahalaga sa eleksyon ay ang makapaghalal tayo ng lider na magdadala sa atin sa mas magandang kinabukasan. Sa kadahilanang ito, hindi ba’t mas nararapat na ang ipinangangalandakan ng ating mga kandidato ay ang kanilang mga plano para sa bayan?
Wala akong planong gamitin ang blog na ito para tirahin si Escudero. Wala akong personal na galit sa kanya. Ngunit plano ko talagang gamitin ang blog na ito para punahin ang lahat ng mga diskarteng politikal na wala namang naitutulong para iangat ang antas ng pagboto ng mga mamamayan.
Pang-anim. May sinabi ba akong bobo ang masa? Wala. Kahit ulit-ulitin pang basahin ang blog entry ko wala akong sinabing ganoon. Pero para wala nang haka-haka sasabihin ko ngayon kung ano ba talaga ang tingin ko sa masa kung saan ako mismo ay kabilang sa maniwala ka man o hindi Annie. Heto ang tingin ko: may matatalinong masa pero may mga bobo rin; may mga nagsisikap mag-isip pero may mga kuntento lamang na magsunud-sunuran; may mga totoong masa pero meron ding nagkukunwaring masa.
Huwag mo sanang gamitin laban sa akin ang isyu tungkol sa kabobohan ng masa. Kung susuriin ang aking blog makikita mo naman na layunin kong magbigay ng mga obserbasyon at suhestiyon. Bakit ko papagurin ang sarili ko sa bagay na ito kung tingin ko bobo ang masa sa pangkalahatan? Ginagawa ko ito dahil naniniwala akong may isip ang maraming tunay na masa.
Pang-pito. Hindi ako kontra kay Escudero per se. Kung tutuusin pa nga mas nakakatulong pa ako sa kanya sa pagpuna ko sa kanyang diskarte. Mas matalino na ngayon ang masa Annie. Marami sa kanila ang hindi na nagpapa-uto. Hindi kaya’t mas nakakasama pa nga ang diskarteng isinusulong mo para sa kandidatura ni Escudero? Hindi kaya’t mas nasa interes pa nga niya na pagbutihin pa ang kanyang diskarte sa pamamagitan ng pagtutok na lamang sa mga plano at plataporma?
Sa isyu ba ng kahirapan ang magiging tugon na lamang ni Escudero ay ang mga pambabatikos sa administrasyon?
Sa isyu ng ekonomiya ito pa rin ba ang magiging tugon niya?
Sa korapsyon ganoon pa rin?
Mga katanungan ito na maaaring hindi naitanong sa katatapos lamang na ANC Leadership Forum ngunit sigurado ako ito ang mga tanong na hinahanapan ng kasagutan ng mga tunay na masa.
Mataas ang pinag-aralan ni Escudero kaya sigurado akong may ibubuga pa siya maliban sa mga batikos. Hindi ako naniniwala na hindi niya kayang maglabas ng malinaw na mga plano para sa ating bansa. Naniniwala ako na kaya niya at oras na gawin niya iyon ang taongbayan na ang maghuhusga kung nararapat ba siyang ihalal sa pagka-pangulo o anumang posisyong nanaisin niya.





“Ano bang diskarte ang sa palagay mo ikasisira ni Sen Chiz Escudero sa sagot ko? Isa ako sa mamayang may karapatang sumagot sa style at diskarte ko. Hindi man ako sumagot sayo ng ganong style may iba pa rin na sasagot na hindi ka palo sa sagot malamang at ililiko ule na nakakasira ang diskarte naming ng pagsusulong ng kandidatura niya.
Ganito na ang style ko noon pang 2007, sumasagot na ako sa mga blogs sa ganitong paraan, nakilala ako mismo ni Sen. Chiz Escudero na lumalaban, at sa swerte hindi ako nakasira sa kanya, tumulong ako ng puspusan sa kalye, sa probinsya, sa lansangan, ng walang bayad, kinilala niya yun at nagpasalamat siya sa akin.”
Ang tinutukoy ko ay ang diskarte ni Senador Escudero na puro batikos hindi ang estilo ng pagsagot mo.
Ganun pa man… Pasensya ka na at nagloko ang template ko kanina. Huli na ng mapansin ko. Pati nga ang post naputol.
“At sa mga katanungan mo na hindi naitanong sa forum, ikaw na rin ang nagsabi may ibubuga si Sen Chiz, alam ko masasagot niya iyan sa tamang venue at sa tamang panahon.”
Umaasa ako na gagawin nga niya ito. Oras na mangyari iyon makaka-asa kang ipangangalandakan ko rin ang anumang magandang mapupulot sa kanyang magiging mga pahayag.
Patas naman tayo dito.
Maraming Salamat.
[Reply]
Salamat naman kung open sa akin ang blog mo para mag comment ako.
This was your note which was my basis on my previous comment:
LPGD says in previous blog:
“Interestingly, Escudero got some of the biggest applause from the mostly young audience. This is a telling and troubling sign that Escudero’s worthless verbiage is working. It’s that or those who clapped for him were just gullible or plain dumb.”
Here’s my comments:
Isa ako sa pumalakpak, isa ako sa supporter at isa ako sa masa , am I gullible or plain dumb?
Inilagay ko ang reply ko sa FB ko sa kadahilanang baka hindi ito ipost sa http://www.inquirer.net..talagang babalikan ko ang blog nayun at muli kong ipopost ang aking reply. At malakas ang pakiramdam ko, makakarating sayo ang sagot ko.
Wala akong maintained na blogsite, at tulad mo hindi rin ako bayaran ng pulitiko. Nangampanya ako out of my retirement money, dahil gusto kong maglingkod si Sen Chiz bilang senator, dahil naniwala ako sa kakayahan niya, at uulitin ko yan sa 2010. Volunteer ule ako para kay Sen. Chiz.
Sumagot ako sa blog mo dahil naumpisahan ko ang ANC Forum at bilang supporter ni Sen. Chiz, hindi ako tatahimik na lang kung may ikakatwiran ako.
Alam ko may kandidato ka na rin, pero sa ngalan kamo ng pananatili mong patas sa iba hindi mo ito ibubunyag. Diyan tayo magkaiba, sabihin mo ng hindi ako patas sa tingin mo dahil may kandidato na akong ipinagtatanggol at si Sen. Chiz Escudero yan.
Karapatan mong manuri, at bilang mambabasa ay karapatan ko ring magsalita sa blogsite na iyon. Isa ako sa audience kaya nasimulan ko ang lahat, kaya nag react ako sa comment mo. Salamat naman at igagalang mo ang opinion ko, pero ipinaalam ko lang sayo na nagreact ako base sa insinuation ng salita mo regarding sa mga pumalakpak kay Sen Chiz kung saan isa ako sa masa. Sinamantala ko na rin ang pagkakataon sa pagdetalye sa sagot ng iba na para sa akin ay di patok. Patas lang tayo ng ereng ginamit hindi ba.
Ang pagkakaiba lang natin, ikaw nanunuri pa lang sa mga presidentiables, ako, nakapagsuri na at nakapili na at direkta ko ng inihahayag iyon. Nagpapasalamat ako sa mga naniniwala, at hindi ko pinipilit ang hindi naniniwala, basta pag pinitik ang paniniwala ko mamimitik din ako sa panulat at salita, nangangatwiran sa simpleng salita.
May karapatan kayong mang menos ng kapwa pero asahan ninyo hindi lahat tatahimik na lang, mayroong aalma, tulad ko at ng ibang naniniwala sa kanilang mga kandidato at pananaw.
May bobong masa at may matalinong masa? Anong gobyerno ba sa buong mundo ang walang bobo at matalinong mamamayan. Kasama sa nilikha ng Diyos iyan para maging balanse ang mundo. Parte ng buhay natin yan.
Walang sinuman ang makakapigil sa isang bobo o matalino na bumoto, mamili ng gusto nila, pantay ang karapatan pagdating sa pagpili ng lider. Wala pang batas na bawal bumoto ang bobo o matalino man.
Naiintindihan kita sa layunin mong iangat ang antas ng pagboto ng mamamayan dito sa ating bayan. Kanya kanyang diskarte at kung kakagatin ng masa.Subalit sana sa paraan ng pagpuna ninyo, kapain ninyo may nadadale ba kayo at kung talagang di maiiwasang makadali kayo, may aalama talaga dahil hindi natin pwedeng monopolyahin ang takbo ng isip ng bawat tao.
Simulan ang pagbabago sa mga madudugas na pulitiko, huwag magbayad ng botante, huwag maglagay ng mga tv ads sa ganitong panahon sa radyo man o sa telebisyon o sa daan, huwag manlamang sa kampanya ang mayamang kandidato. Sa pulitiko nagsisimula ang kabobohang kampanya, kaya mahirap tuwirin ang mamamayan dahil ang mas nakararamig kandidato ang pasimuno ng kabulukan. Siguro pag yun ang kampanya mo kaisa mo ako.
Ang puna ko lang isang forum lang yun, karamihan sa tanong dun madaling tanong at alam mo na ang tagong kahulugan o lantad na kahulugan sa bawat tanong sa mga bisita. Hindi pa yun ang magsisilbing konlusyon para sabihing palpak si Sen Chiz or you asking the readers,” It’s that or those who clapped for him were just gullible or plain dumb”. Limiin mo yan kung ikaw ang isa sa talagang sumuporta kay Chiz at pumalakpak at nahagip ng sinulat mo.Inilatag ko lang ang argumento ko sa bagay na yan!
Sasansalain rin kita sa pananaw mo na laging pagsakay sa sentimyentong kontra kay GMA si Sen Chiz. Paalala lang, nakilala siya bilang numero unong tagasita kay GMA, consistent lang siya dun, dahil mula ng tumayo siyang House Minority Leader, siya na ang nakita naming lumalaban sa mga maling gawi ni GMA.
Sa palagay mo kung tumahimik si Sen Chiz, wala ring pupuna sa kanya? Malamang marami rin ang magtatanong at magbabansag na balimbing na ba siya? Hindi pagsakay ang pagpuna kung may dapat punahin at ipaalalang palagi na may utang si GMA sa bayan at hindi nakakalimutan ng masa yun, na isinasatinig lang ni Sen. Chiz
Sa punto mong dapat ang ipinangangalandakan nila ay ang kailang plano sa bayan?
Ang pagsasabi ng plataporma ay may takdang panahon. Sa forum na yun, walang tanong ukol sa plataporma nila.Walang nagsabi ng plano nila sa bayan. Siguro, sentensyaha natin sila kung naglatag na ang bawa’t isa sa kanila ng plataporma ng pamumuno nila sa hinaharap.
Sa kaso ni Sen Chiz, naghihintay siya ng tamang panahon para sa paglalatag ng plataporma at marahil isisiwalat niya yun sakaling magdeklara na siya ng pagtakbo sa eleksyon. Kung ngayon pa lang, magbibigay na siya ng plataporma, mababansagan din siyang nangangampanya ng maaga, hindi sumusunod sa batas, wala ring ipinagkaiba sa mga maagang kumakandidato.
Ano bang diskarte ang sa palagay mo ikasisira ni Sen Chiz Escudero sa sagot ko? Isa ako sa mamayang may karapatang sumagot sa style at diskarte ko. Hindi man ako sumagot sayo ng ganong style may iba pa rin na sasagot na hindi ka palo sa sagot marahil at ililiko ule na nakakasira ang diskarte naming ng pagsusulong ng kandidatura niya.
Ganito na ang style ko noon pang 2007, sumasagot na ako sa mga blogs sa ganitong paraan, nakilala ako mismo ni Sen. Chiz Escudero na ganito na ako, at sa swerte hindi ako nakasira sa kanya, lumabas ako sa kalye, sa lansangan at sa probinsya sa libreng kapasidad.Kinilala iyon ni Sen.Chiz ng walang restriksyon.
Hindi ako pwedeng diktahan ng sinuman sa diskarte ng pagsagot ko at pangangatwiran ko para sa pinaniniwalaan kong presidentiable.Inuulit ko volunteer ako, malaya akong sumagot sa bawa’t puntos na gusto kong sagutin sa paraan ko at di pwedeng diktahan ninuman.
Sa paraan ng panghihikayat ko sa iba ay simple lang, kung hindi ka palo kay senator okay lang, mangatwiran ka, mangangatwiran ako. Hindi kita pipilitin o sinuman, kasi ang bawat tao malaya sa gusto niya, nililikom ko lang ang naniniwala sa kanya. At swerte, marami na akong nalikom na kaalyado.
At sa mga katanungan mo, ikaw na rin ang nagsabi may ibubuga si Sen Chiz, alam ko masasagot niya iyan sa tamang venue at sa tamang panahon.
Sa mga tanong sa korupsyon, kahirapan at ekonomiya, huwag nating pangunahan kung ano ang isasagot ni Sen Chiz , dahil kung ang konklusyon na anti- GMA remarks na naman ang sasabihin niya ay isa na naman isyu ng debate yan, may kontra at may panig.
Bagaman para sa akin, hindi pwedeng maihiwalay ang partisipasyon ni GMA sa korapsyon, kahirapan at ekonomiya, dahil siya ang pasimuno sa mga problemang dinaranas natin ngayon. Wala akong balak kalimutan ang mga utang ni GMA sa ating mamamayang Pilipino.
Pagbigyan natin sumunod muna sa batas si Sen. Chiz saka tayo magtatarang sa mga sagot niya, pagkalipas ng October 10, 2009, kasi 40 na siya at may karapatan na siyang magsisigaw na lalaban siya sa panguluhan 2010.
[Reply]
to annie…
tungkol nga pala sa manok. ang katotohanan niyan wala pa akong napipiling kandidato dahil hinihintay ko pa ang kanilang mga plano para sa bayan.
[Reply]
salamat muli LPGD sa slot kong binigay dito ngayon.
Hindi kita kalilimutan pag lumabas na ang plataporma ni Sen Chiz. itsisika ko sayo agad.
NOted sa Manok
Muli, thanks
Annie
[Reply]
Annie,
Sa facebook at pati dito, sinasabi mo na hindi makakapagsalita si Senador Chiz Escudero tungkol sa kanyang mga plano at plataporma dahil bawal ito sa batas.
Hindi po labag sa batas panghalalan ang sinasabi niyong paglalahad ng plano at plataporma ng mga kandidato para sa ating bansa.
Kahit sino, mahirap o mayaman, malaki man or maliit, payat o mataba, ay pwedeng magsalita tungkol sa mga problema at solusyon sa mga ito, sa kahit anong oras at panahon.
Ang labag po sa batas, at klarong-klaro sa ito ayon kay Senador Miriam Defensor Santiago, ay ang paulit-ulit at padalas ng padalas na paglabas ng komersyal tungkol sa buwa, itik, at padyak. Ito iyong mga political ads.
At isa pa, kahit hindi political ads, nakakababa sa dignidad ng senado bilang institusyon ang ipahiram ang mukha ng isang senador para sa komersyal kung saan nagbebenta sila pampa… pampaputi ng balat (Loren) at pampa-sigla ng dugo (Chiz)…
Hindi po nararapat na magmukhang arbolaryo ang mga senador…
Kung wala man sa titik ng batas ang pagbabawal sa mga senador na lumabas sa komersyal, malilinang natin na hindi rin nararapat na maging salesman ang politiko…
Dahil mas malamang kaysa sa hindi, huwad ang mga sinasabi nito at malamang mapahamak pa ang bumili ng produktong nilalako…
[Reply]
Sigh, this is one classic example why critical thinking is important. lgpd, I think you should make a long discourse on that subject.
[Reply]
lpgd Reply:
May 21st, 2009 at 4:27 am
to ian…
I would if i could but i’m no expert on critical thinking and I also fail at it at times. i do try to react using my head instead of my emotions.
[Reply]
Alam niyo, hindi ko talaga maintindihan kung bakit naniniwala ang masa at bilib na bilib sila kay CHIZ. Hindi niyo ba nakikita kung gaano KAKULELAT ang karamihan sa mga district na sakop ng posisyon niya? NAPAKAHIRAP pa rin ng Bicol kasi ni hindi niya gustong tumulong o pumasa ng bill na makakatulong sa Bicol region.
Pwede sana magpasa ng bill na piliting ibaba ang bayad sa kuryente sa Bicol, pero ayaw niya gawin. Hindi niyo ba alam na mas mataas ang singil sa kuryente sa Bicol kaysa sa Maynila? Hindi niyo ba alam na pwede sanang malutas ang problemang ito sa paggamit ng Geothermal plants sa Bicol?
[Reply]
lpgd Reply:
May 21st, 2009 at 4:46 am
to ramon b… thanks for visiting. had to edit for obvious reasons.
[Reply]
Tama ka Ramon B. Hindi nakakatulong si Chiz sa Bicol. Kaya kahit kapwa ko sya Bicolano hindi pa rin ako sure if iboboto ko sya. pag araaralan ko muna ng husto ang magiging plano at plataporma niya lalong lalo na para sa Bicol. Parang kasing magaling lang sya makipagbalagtasan.
[Reply]
Let’s just state the obvious that Escudero, cunning as a lawyer always is, knows exactly how to play it like “hey, I’m very much against GMA and her demon administration, so I’m on your side.” He knows exactly what the people surrounding him want to hear, so he piles it on! But all he ever does is gnaw, gnaw, gnaw at the administration. (Fyi, I’m not pro-administration, but I wouldn’t waste my time to be anti either. It’s just adding to wasted time and taxpayer money.)
The reason Filipinos are so screwed up when it comes to voting is that too little critical thought is put into the selection of whom to vote for. And too many of us do it that way. What evidence do I have that we’re terrible at this? Just look at the last 5 decades and see how “well” we’ve chosen our leaders!
To be clear, I fully agree with lpgd.
I don’t care about patok, about what’s popular, about what everybody else decides to choose. My personal selection process doesn’t include jumping onto the bandwagon, which means I don’t pick my pick the lazy, irresponsible, zero-accountability way.
Let’s face it – voting for a candidate because it is the popular vote is simply letting everyone else determine the vote, and that’s just not owning up. And pardon my French, but that pisses me off.
[Reply]
lpgd Reply:
July 3rd, 2009 at 6:11 am
thanks filo for visiting.
“The reason Filipinos are so screwed up when it comes to voting is that too little critical thought is put into the selection of whom to vote for. And too many of us do it that way. What evidence do I have that we’re terrible at this? Just look at the last 5 decades and see how “well” we’ve chosen our leaders!”
amen to this.
[Reply]
[...] had some run-ins with Senator Francis Escudero’s supporters in the past and in one of those instances I promised one of the senator’s most avid fans that I will publish his platform here as soon [...]