Isang Pakiusap Kay Estrada

Dear Erap,

Nananawagan ako sa iyo na huwag ka na sanang tumakbo para sa pagkapangulo. Nakikiusap ako na kung maaari lang sana ay isipin mo ang mas nakakabuti para sa sambayanang Pilipino. Kung maaari ay mas isipin mo na lang kapakanan ng mga kababayan mo kaysa ang pansariling interes.

Wala namang duda na kahit papaano ay malakas pa rin ang hatak mo sa mga tao. Wala ring duda na marami pa rin ang nahuhulog sa iyong diskarte. Malinaw na malinaw rin na alam mo rin ito. Sa katunayan naisip mo pa ngang gawin sa masang masang lugar tulad ng Tondo ang iyong pagdedeklara ng kandidatura. Kitang kita rin sa mga binitawan mong salita ang mala-showbiz mong atake para makuha ang simpatiya ng mga taong dati mo nang pinangakuang iaangat mula sa kahirapan.

Nakikiusap ako sa iyo Erap. Huwag ka nang tumakbo. Higit sa lahat nakikiusap ako na huwag mo namang tratuhing tanga ang mga hindi tanga at lalong huwag mo namang pagsamantalahan ang mga tatanga tanga. Huwag ka nang tumakbo Erap. Kung totoong gusto mo talagang tumulong sa mahihirap magagawa mo naman ito bilang isang pribadong mamamayan. Sa dami ng iyong pera marami kang pwedeng gawin. Bigyan kita ng ilang suhestiyon:

  • magpatayo ka ng mga paaralang magbibigay ng libreng edukasyon sa mahihirap
  • magsimula ka ng sarili mong programa para turuan ang mga mahihirap na tumayo sa sarili nilang mga paa; maaari mong ituro sa kanila kung paano magpayaman (pwede ring iba na lang ang magturo)
  • mamahagi ka ng pondong pang-puhunan para sa mga mahihirap; gayahin mo ang Grameen Bank (napakagandang programa nun)
  • magtayo ka ng negosyong makapagbibigay ng trabaho sa napakaraming tao; gayahin mo si Cecilio Kwok Pedro, ang may-ari ng Hapee Toothpaste
  • magtayo ka ng mga komunidad para sa mga mahihirap tulad ng Gawad Kalinga
  • magpatayo ka ng mga hospital na magbibigay ng libreng serbisyo sa mga mahihirap

Kita mo naman. Marami rami na rin ang mga suhestiyong naibigay ko. Sigurado ako kaya mo ring makaisip ng iba pang proyekto na pwede mong gawin para makatulong kahit pa hindi ka presidente ng Pilipinas.

Seryosong panawagan ito Erap. Kung totoong mahal mo ang mga mahihirap, igagalang mo sila at hindi mo sasamantalahin ang kanilang kakulangan sa edukasyon. Hindi mo ipiprisinta ang sarili mo sa kanila bilang kandidato kahit pa alam mo namang mahihirapan kang tumanggi sa mga mala-lintang personalidad na nasa paligid mo (ganyan naman talaga ang barkadahan di ba?) sakaling manalo ka. Hindi mo rin sila paaasahin sa wala.

Tama na sana ang nakapaglingkod ka bilang mayor,  senador at pangulo noon kahit pa hindi mo nga natapos ang iyong termino sa Malacanang. OK na iyun.  Kung ako sa iyo tutulong na lang talaga ako bilang pribadong mamamayan. Mas masarap iyon at hindi ka pa masyadong mabuburyong dahil walang babatikos sa iyo. Tinitiyak ko rin sa iyo na sa ganitong paraan mas higit mong maibabalik ang bango ng pangalang Estrada.

Ano? Pwede mo bang mapagbigyan ang aking pakiusap? Umaasa ako na kahit papaano ay pagiisipan mo ang mga suhestiyon ko. Gusto ko lang naman sana kasi na makita ko na talagang mahal mo ang Pilipinas at gagawin mo ang tunay na makakabuti para dito.

Salamat.

Share

About bp

9 Responses to “Isang Pakiusap Kay Estrada”

Read below or add a comment...

  1. Ernie says:

    Tamang panawagan ito sau Erap, makinig ka naman sa pagkakataong ito at para saung kalusugan at kapakanan.

    [Reply]

  2. bonnie blaire says:

    mas madami syang magagawa kung presidente sya. kahit sino naman kayang makagawa ng paraan para makatulong sa bansa. kahit sa simpleng paraan. pero where talking about national level here. alam naman natin kung anong nangyari, and edsa two ay iasang pagkakamali. walang napatunayan sa mga kinaso sakanya. ang mas dapat nating pakiusapan ay si gloria. nako. kung madadaan pa sya sa pakiusap. harap harapan na ang ginagawa nyang panloloko sa sambayanang pilipino. hoy gloria gumising ka!!!!!

    [Reply]

    admin Reply:

    bonnie,

    sorry, but estrada? no thanks.

    [Reply]

    xelam d great Reply:

    bonnie blaire with due respect sir. What do you mean walang napatunayan sa mga kaso nya? Di pa ba sapat sa u na na convict cya ng Sandigan Bayan with solid evidences? Do you respect the verdict of the court or not? Not only that his lifestyle speak for himself. Do I need to elaborate? Kailangan pa pang imemorize ang past lifestyle nya? Everybody knows who he is in his private life. Why not give a chance to other deserving new non traditional politician for a change? Whether you like it or not ERAP is one of the trapo with poor marks in his previous leadership. And majority of us will not be fooled by his sweet non sense promises. We have had enough of it period.

    [Reply]

    mac Reply:

    excuse me sir di ba malinaw naman na di sapat ang testimoni lamang ng isang tao para ikaw ay makasuhan ng plunder at ang nangayari sa kanya ay power grab lamang naman e and ang edsa 2 ay isang kamalian ng mga tao kaya ng diba nagkaroon ng edsa 3 but groria is in the power and nothing can stop her from her leadership.

    [Reply]

    xelam d great Reply:

    mac hangang ngayon ba naman nasa dilim ka pa rin? Sandigan Bayan po ang humatol sa IDOL mo. Alam po nila higit kanino pa ang trabaho nila. EDSA 2 nangyari dahil nabweset ang mga tao sa pagpigil ng mga ALIPORES ni IDOL mo na huwag buksan ang hidden bank account nya.Hindi dahil kay GMA. Though blessing in disguise kay pandak ang nangyari hindi po mali ang reaction ng mga tao. Lahat po ng trapo ay birds of the same feathers. Puro pangako lang at sisipsipin parang LINTA ang kaban ng BAYAN.Kailan ka pa mamumulat?

  3. Joanna says:

    Lord have mercy on our country if ever Estrada wins as president. Please. He’s had his chance.

    Edsa 2 may have made a mistake when it placed GMA as president, but it wasn’t a mistake to oust Erap.

    [Reply]

  4. It is a sad commentary on how Pinoys stereotype poverty in the Philippines that many ignore the fact that many rich people live in Tondo. Estrada knows this yet he continues to play the poverty pimp.

    [Reply]

  5. anie says:

    asa pa c erap na mananalo dahil ginagawa niyang kasangkapan ang pagpasok nya sa camp abubacar, wag mong ilihis ang iyong mga masa2mang diskarte mo sa buhay !!!! masyado mo lang ipinapakita ang pagi2nga anti muslim mo!! hindi mo bah alam mahigit 3 million ang muslim d2 sa pilipinas ang tanga tanga moh ERAP !!!!!!1

    [Reply]

Leave A Comment...

Blog Widget by LinkWithin