Noynoy Aquino should join the Romulo foundation debate

(I was going to post this as a response to a comment in the previous post on the Carlos Romulo Foundation debate but decided to post it as an entry because it was very long.)

According to the announcement I got from a friend, the organizers of the Carlos P. Romulo Foundation for Peace and Development debate got word that Noynoy Aquino would not be attending the debate scheduled on January 14.

Here’s the portion of that announcement:

Sen. Richard Gordon, Sen. Manuel Villar and former Defense Secretary Gilbert Teodoro will participate in the two-hour forum. Two other candidates – former President Joseph Estrada and Sen. Benigno Aquino III – were invited to join the discussion as early as October last year, but they declined.

Now, we should note that perhaps this is the first time that Manny Villar will be engaging in a debate.  He was thoroughly dissed for begging off from previous debates and perhaps his handlers think that it is hurting his campaign to shy away from debates.

I am actually looking forward to hear Villar talk about what he’d do about Maguindanao and how to bring peace to Mindanao.  About a year ago, according to a friend from Zamboanga who heard him give a short interview there, Villar wanted to bomb the heck out of provinces where muslim rebels were the most active.  Perhaps my friend was exaggerating, but the point is, it would be a great opportunity for him to clarify his position on the matter.

Anyway, going back to the comment that I wanted to respond to….

Mr. Evelio B. Obeso wrote:

Hindi pa huli kung sasali si Noynoy. Magpakalalake naman sya.

Kung totoong para sa kabutihan ng sambayanang Pilipino ang pagtakbo nya eh dapat malaman natin ang kanyang posisyon sa mga issues sa debate.  Dito natin malalaman sa forum na (i)to kung mey kakayahan ba sya.

Eh baka sa economic issues di nya kayang magdecision at kung saan sya papanig.

Halimbawa anong pipiliin nya, murang patatas galing China o ang mahal na patatas galing Baguio?

Simpleng tanong lang po eto..Dito natin masusubok kung makabayan nga cya. Please Mr.President-to-be umatend ka na.

Here’s my response:

Dapat talaga laging sumasali ng debate ang lahat ng tatakbo bilang Presidente para madinig natin mismo sa kanila kung ano ba talaga ang plano nila para sa bansa natin.

Bagamat lagi kong binabatikos ko si Noynoy, naniniwala ako na malaki ang chance na manalo siya.  Kaya kung may pag-galang talaga siya sa atin, dapat siputin niya ang debate.

Hindi naman sa panlalait kay Noynoy, pero dun sa ANC Harapan medyo malabo ang mga sagot niya — lalo na dun sa tanong na kung ano ba ang gagawin niya sa first 100 days.

Kung sisipot siya sa debate, baka maipaliwanag niya ng mas mabuti ang mga sinabi niya.

Heto iyong transcript ng sagot niya na siningitan ko ng mga puna ko:

Noynoy Aquino:

1. Halos nagkakapareho ang dapat gawin at kung paano gagawin,

Baka hindi nakinig sa sagot ni Perlas, Gordon, at Villanueva.  Magkakaiba ang sagot nila.

2. ang problema wala pang nagsasabi kung nasaan ang pambayad ng lahat ng ito.

Sabi ni Gordon, kukunin ang pambayad sa hihingiin na debt moratorium.  Pero, mahirap yatang gawin ito at kelangan ipaliwanag pa ni Gordon kung paano magagawa ito.  Kelan lang, sinabi ng Dubai na titigil muna ito sa pagbayad ng mga utang nito at nayanig ang mga malalaking ekonomiya.  Malaking epekto kasi kapag tumigil ang daloy ng pagbabayad sa utang.

Gayun pa man, may punto nga si Noynoy, saan kukunin ang pera? Tignan natin kung masasagot niya.

3. Itong taon na ito, mayruon tayong 300 Billion deficit, next year 270.  Ang gaganda naman ng mga programa pero paano natin popondohan.

Magaling, atleast alam ni Noynoy talaga kung magkano ang magiging kakulangan sa budget ng Pilipinas. Okay, paano ba re-resolbahin ang deficit?

4. Sa amin, sa first 100 days, pareho rin naman kung tutuusin. Job generation, bigyan ng kakayahan ang tatay pakainin, patrabahuin, paaralin, kalusugan, ang kanyang mga anak. Iyong health papasok tayo, yung pangalawa health susunod…

Okay, senator, paano mo gagawin ang job generation eh may deficit nga diba? paano mo popondohan?  Sa health, ganun din?

5. Pero tuloy ang judicial reform.  Hindi ho tayo seseryosohin kung sasabihin natin na lalabanan natin ang graft and corruption.

Ang isang sagot sa judicial reform na hahantong sa mas mabilis na paglilitis ng kaso ng graft and corruption ay ang pagtatalaga ng karagdagang mga prosecutor at huwes.  Dahil nga may deficit senator Noynoy, paano mo popondohan ito?

6. 12 percent ang tax efficiency rate tapos ang nangyayari pa diyan eh walang hindi ginagamit ang poder ng BIR ng customs para mahinto ang smuggling.  Para mahuli ang nag-evade ng taxes na iyan.

Ah, so itataas mo ang tax efficiency rate.

Alam mo ba senator na ang pinakamalaking tax evaders eh ang mga dambuhalang mga negosyo?  Ang katotohanan po senator, ang middle class po ang nagbabayad ng taxes at ang mahihirap ang nakikinabang. Iyang mga mayayaman, gaya po ninyo, sitting pretty na lang habang kina-karyoka ng mga CPA ang mga libro ng kumpanya.

Kapag smuggling ang pinag-usapan, naalala niyo ba na isa sa pinaka-malakas na smuggler ng agricultural products iyong kasamahan niyong mala-kuweba ang ilong?  Siyempre, hindi iyan aaminin.

7. Kelangan masigurado ang judiciary, kapag may ginawa kang kasalanan may tiyak kang kaparusahan. Tapos, imbentaryuhin natin ang lahat ng detalye ng lahat ng problema…

Nasabi niyo na po na iyang judiciary ah, baka nagkamali ka ng balasa ng cue cards mo.

Iimbentaryuhin pa lang?  Hindi ba masinsin mong pinag-aralan ang budget ng pamahalaan? Dun pa lang, makikita mo na kung ano talaga ang problema.  Kunsultahin mo sana si Mar Roxas, may sinabi siya tungkol sa “Incrementalism” at patok na patok iyong sinabi niya.

8. Maganda po iyong gagawa tayo ng infrastructure.

Iyong iminumungkahi ngayon sa aming initial budget deliberations, wala hong binabanggit for instance sa Southern Tagalog Region na magkakaruon ng highway.  Alam naman po natin kung gaano kakitid ang papunta dun.. ang produktong binabagsak sa Batangas papunta ng Maynila ay hirap na hirap na pagtra-traverse nung mga karsadang napaka-primitibo.

Imbentaryo specifically kung anong infrastructure.  Hindi ito iyong binibigay na nowhere to nowhere connecting roads, o iyong mga ro-ro ports na gawa na pero wala namang dumadaong.

Okay, sir, maganda at nasabi niyo iyang infrastructure na iyan.  Actually, maraming naka-pilang plano para sa infrastructure po at nakasaad po lahat iyan sa GAA.  Bilang senador po, pwede niyo pong i-request sa DPWH ang listahan ng lahat ng kalye, tulay, at kung ano ano pa.  Kung magagawa niyo ang lahat ng pag-aaral na iyan bago kayo maupo, mabuti kasi six years is a short time lang po. Baka abutin po tayo ng siyam-siyam uli bago niyo matapos ang imbentaryo at tsaka pa lang kayo gagawa ng plano — iba pa iyong pagpapatupad nito.

9. Pero ang dulo po niyan, nung nakuha na natin ang pera, nagpakita tayo ng kasersyosohan sa pagpapatupad ng ating mga batas..

Hah? Pakiulit po?

10. Bibigyan natin ang lahat ng oportunidad ang ating mga negosyo po, mga dayuhan at lokal ay may patag na pinaglalabanan kung saan mangingibabaw iyong pinakamagaling at pinaka-efficient.

Ibig po niyong sabihin eh hindi papabayaan niyong malugi ang mga negosyo na hindi episyente?

Alam po ninyo, ang pinaka-hindi episyente na negosyo ay ung may kinalaman sa agricultural production, tulad ng pagpapalaki ng palaya at tubo.  Ibig po niyo bang sabihin eh hahayaan na nating mamatay ang agrikultura natin kasi mas epsiyente pang mag-angkat na lang ng bigas at asukal?

11.  Sa ganuong paraan ho, sa unang hundred days nga ho, matapos makuha iyong gastos, iyong imbentaryo,nanduon na po ang konkreto at detalyadong plano sa mga motherhood statements na parepareho naming sinasabi ngayong gabi.

So, Mr. Senator, mawalang galang na po, ibig po niyo bang sabihin eh kapag naupo na kayo bilang Presidente eh dun po pa lang niyo pag-aaralan ang dapat gawin para sa bansa natin?

Sa pagkakasabi po ninyo dito, Senator, parang inamin niyo nga na puro motherhood statements po ang nakasaad sa inyong Social Contract.

(Psst! Senator Noy, nadinig ko si Villanueva na bumubulong, sabi niya “Speak for yourself. Ako nga eh, may Executive Order na naiisip. Ikaw wala, belat!)

Share

About PinoyBuzz

16 Responses to “Noynoy Aquino should join the Romulo foundation debate”

Read below or add a comment...

  1. msr says:

    i can’t imagine kung paano sya makikipag deal sa ibat-ibang leaders sa ibat-ibang bansa..
    naku..naku..naku…tsk! tsk!

    [Reply]

  2. Imee Cruz says:

    Walang mangyayaring maganda sa Pilipinas kung si Noynoy ang mauupong presidente. Kita niyo naman ‘yung mga sagot niya di ba? Puro “imbentaryo” ang sinasabi. At “pag-aaralan” niya pa lang ‘yung mga problema. Hay… Ano na lang ang mangyayari sa Pilipinas kung yung leader e mag-o-OJT pa lang? Kumbaga sa driver, mag-aaral pa lang mag-drive. Tsk tsk. We have much better choices than Noynoy. No to Noynoy!!!

    [Reply]

  3. Dilaw na Mantsa says:

    I’ve said this on a previous discussion with Noynoyans:

    “The presidency is like job hunting and we (the voters) are the human resources personnel. When the candidates submit to us their resumes, pag-aralan natin. Obviously, pipiliin natin kung sino ang may skill, may experience, at accomplishment. Hindi nga tayo naglalagay ng “parents’ names” sa ating mga resume.”

    [Reply]

    bp Reply:

    dilaw,

    nice observation. “Hindi nga tayo naglalagay ng “parents’ names” sa ating mga resume.”

    [Reply]

  4. Pahabol na lang itong sa akin..Sana po maintindihan ni Noynoy kung ano itong papasukan nya..Walang yatang vision sa future..Sa lahat na bagay..Hindi talaga nya alam paanu mag-umpisa ang Pilipinas from Deficit to Revenue..Walang economic prowess..Saan nga sya kukuha ng pera para sa kanyang mga plano(daw)..Paano tatakbo ang ekonomiya kung walang pundo..Ang daming paikot-ikot eh duon din pala sa wala ang hantungan..Yung mga nowhere to nowhere roads at ro-ro ports(na wala daw dumadaong-sabi nya) eh huwag na nyang problemahin kasi feasible yan pagdating ng araw..Makakatulong yan..Ang unahin nya ay ang pagharap sa katotohanan..Saan at paanu makapagtrabaho ang milyon-milyong Pinoy? Na ikabubuti sa ikauunlad sa bawat pamilya? Na mabigyan ng mabuting kabuhayan ang isat-isa..Na lahat ay may tsansang makapag-aral at maiahon sa kahirapan..Na malulusog na sambayanan dahil sa magandang programang pangkalusogan..?.Sa ngayon ay puro pangarap lang ang nakikita ko sa pananaw ni Noynoy at mga supporters.Akala kasi nila pelikula ang kanilang pinasukan..Pwede uulitin kahit isang libong “Camera, action, cut”!!!!Kawawa tayong mga Pinoy..Maging biktima tayo sa …”TRIAL AND ERROR”.Ang ipagmalaki ko lang sa aking pamilya eh hindi ako isa sa bomoto at nagluklok sa isang administrasyon na pampelikula lang.

    [Reply]

    bp Reply:

    evelio,

    i’d like to share what a friend of mine told me. he said this is precisely why it’s important for voters to demand platforms from the candidates. he stressed that a platform centered on the eocnomy would be the best. the reason for this is quite obvious. the economy should be strengthened to improve cashflow. without funds it would be impossible to pursue all the other stuff that usually end up as motherhood statement entries in the candidates’ pseudo-platforms such as “education for all,” “healthcare for all” etc.

    i would love to hear our candidates discuss the economy and how they plan to give it a boost for the long term.

    [Reply]

    Thomas Reply:

    Evelio,
    I agree with you. One of the candidates made a really good comment. I think it was Senator Dick Gordon during the previous debate at DLSU. He said the Aquino family spent many years in the government as a president, congressman, senator etc esp in Tarlac. Gordon asked how is Tarlac? If you go to Tarlac, the city’s progress is rather slow. Marumi at halata mong walang progress. Noynoy himself spent 7-8 years as a congressman and then senator, but failed miserably to write or introduce a law to the senate. My opinion, he is just a mere spectator, an audience or a bystander seating in the senate taking up space. Baliktad! puede pa siguro si Mar Roxas ang magrun for president kaysa sya.

    [Reply]

    Evelio B. Obeso Reply:

    You’re absolutely right Mr. Thomas..Ang sa akin lang ay sana, kung di natin kaya ang isang bagay na ikabubuti para sa lahat, huwag nang pasukin pa. Halimbawa, si Cory eh walang alam paanu maging presidente ay pinili natin.Ano’ng nangyari sa ating bayan, umunlad ba? Si Erap ganun din.Akala niya ang ending sa pelikula pareho sa pulitika..Malaking dagok sa Pilipinas ang maling pagpili natin sa kanya..Mga taong walang alam paanu patakbuhin ng maayos ang bayan natin.Ngayon kung totoo ang kasabihang”kung ano ang puno ay syang maging bunga”, eh ganun din pala ang mga anak ni Cory(Noynoy) at Erap(Jinggoy), at ibig pang humirit. Ang kaso eh mas lalong mga walang alam..Hindi pa rin huli kung huwag na nilang ituloy ang kanilang mga pangarap at baka lalong bumagsak ang Pilipinas sa kanilang mga imposible at di kapani-paniwalang programa-de-gobyerno.

    [Reply]

    Edna del Rue Reply:

    Naniniwala ako na dapat ngang sipating mabuti ang mga kandidato. Maraming paulit-ulit na pangako at pangahas na walang dangal para sumali sa isang kandidaturang walang laman ang pangakong mababago nila ang takbo ng pampulitika, pangkabuhayang pamumuhay ng pamayanan sa bansang tinatawag nating Perlas ng Silangan.
    Batid nating lahat na marami pa ring Pilipino ang mahilig sumakay sa kung sino ang sikat at hindi dahil sa merito ng karapat dapat. Ika nga ng mga utak biya, baka masayang ang boto ko dahil di naman sikat un kandidato.
    Kung ganito pag-iisip ng mga Pilipino, malilibing ng walang laban bansang Pilipinas kong minamahal. Bakit kamo, ang pagpapatakbo ng isang bansa ay tulad sa isang malaking kompanya na dapat alam ng liderato nito kung paano panatiliing matatag at gumagana ng maayos na revenue base sa kalakasan ng vision, produkto at serbisyo nito. Gayundin ang kahinaan nito ay dapat maconvert na kalakasan bilang second phase development para maitaas pa lalo ang performance ng kompanya at manatiling running at par sa vission mission nito na may integridad at dignidad na hindi nabibili saan mang tindahan kasi nga ito ay isang abilidad o kakayahang dapat ngayon pa lang ay nasisipat na.
    Mawalang galang na po sa mga walang performance record at matagal ng nabasa ng pawis ang chair of comfort ng mga nanonood na pulitiko na walang naipakitang kakayahan para maging magiting na lider ng bansang ito.
    Kung ako sa inyo mahihiya akong tumakbo.
    Meron naman tayong mabubuting choices na mapagpipilian base sa performance reoord tulad ng mamang nagpabago ng Olongapo. Di ko po siya kilala pero nakita ko po ang transformation ng Subic after America gave up Subic base. Maganda ang patakbo at panalo ang mga line-up ng investors na nagtayo ng business doon. Yun lang nung napalitan si Sen. Gordon, nawala sila dahil marami na daw corruption ang nangyari kaya umexit na ang mga malalaking investors.
    Mga kababayan, hindi ang mga sikat ang dapat umupo kundi ang may puso at political will na gumawa ng pagbabago dahil yung maraming nagcontribute at ginastos tiyak babawi at tatanaw ng utang na loob.
    Madali lang sabihin ang di mangungurakot, sa maniwala kayo at sa hindi, di ito posible unless isang tulad ni Ginoong Lee Kwan Yu, ang maresurrect para maging Pilipino na naitaas ang bansang Singapore kahit walang natural na yaman dahil puhunan po niya tunay na busilak na pagmamahal para sa bansa at taong bayan. Aralin po ninyo ang kanyang pamumuhay pati na ng kanyang pamilya para makita po nating lahat di po showbiz ang maging dakilang lider.
    //////////////////////////////////////////Let us seek the great wisdom of the Lord that we may all see the righteous hand who shall have the capacity to turnaraound the fate of our rich country. Mahalin po natin ang bansang Pilipinas bago ang sariling ambisyon

    [Reply]

  5. PinoyBuzz says:

    @BP

    Over at Asian Correspondent, a commenter who is obviously a member of the yellow cult told me that I was rather naive for demanding platforms from candidates since these are merely tools for propaganda and were like promises that are meant to be broken.

    I retorted by saying that he was practically admitting that his candidate’s social contract was nothing more than propaganda (basta may matatawag na platform, okay na yan!) and that his candidate had no intention to living up to his social contract.

    har har har!

    [Reply]

  6. Hyden Toro says:

    We need to know what the positions of each candidate. Before we can decide.

    [Reply]

  7. Enrico Navea says:

    I will not vote for Noynoy because of his lack of experience.

    I will not vote for Villar because he is the reason why our country is in mess. He is the culprit why the impeachment process of Erap was gone to worst. He did not follow the procedure. He is also using his position to gain wealth, for his own interest. I don’t believe that “Villar ang magtatapos ng ating kahirapan”

    I will not vote for Eddie Villanueva because I believe that God have chosen him to be a preacher and not as a President.

    I will not vote for Erap Estrada because he is a convicted plunderer and he is messing with the Constitution. He is disqualified and i don’t consider him a candidate.

    I might vote Gilbert Teodoro because of his platform-base campaign and his impressive answers during debates and forum.

    At the moment, I am incline to vote Richard Gordon because of his experience as Mayor of Olongapo.

    [Reply]

    pinoybuzz Reply:

    good choice ;-)

    [Reply]

  8. Mark says:

    I think the more people especially Noynoy’s supporters will soon realize what kind of candidate Noynoy is. Decision should not be base only on popularity or from his sister Kris Aquino’s endorsement. Like what Senator Gordon said the survey only favors the advertisement companies. Most experts are saying candidates has a budget to pay this advertisement companies. So far, Senator Dick Gordon has been the most impressive of all presidential forum. And because of his years of experience of serving the Filipino people, he earned to be the next president of the country. Imagine, he uplifted the lives of thousands of people in Olongapo, we can only imagine if the same principles were applied to the whole country.
    Take a listen to the Gordon/Bayani interview with Magic 89.9. A clear planned and vision of the Philippines and his people that no other presidents has. The one that really impressed me the most he said he will be a salesman president. He will travel to rich countries with a party of 5 people and ride in a commercial airplane and seek investment opportunities for the country. He is talking about bringing in thousands of jobs to the country. NOW, DO YOU REALLY THINK VILLAR, ERAP, NOYNOY, AND GIBO WILL DO SOMETHING LIKE THAT? So instead of waiting for the investors to come to them, he rather go to the investors himself to encourage them to invest in the Philippines. According to the interview, his goal is to bring in 7 Billion dollars or better worth of investment annually. He has brought in investment in the past and he will do it again in a larger scale. Click on the 2nd link below as an example how he convince FEDEX to come to the Philippines.

    http://www.goodtime swithmo.co. cc/default. php?page= singleplayer. php&id=1645&date=20091203

    http://www-cgi.cnn.com/ASIANOW/asiaweek/96/0719/biz6.html

    [Reply]

  9. g.m. says:

    isa po akong first time voter, at talagang napakabigat na responsibilidad ang pagboto…..

    sa ngayon, wala pa po akong mapili, parang pare-pareho silang lahat na hindi dapat iboto….

    may God help our country….

    [Reply]

    bp Reply:

    g.m,
    diyan makakatulong ang detalyadong plataporma. kung inilalabas na sana ng mga kandidato ang kanilang mga spesipikong plano eh di may mas mahusay tayong pagpipilian at pagbabasehan ng ating mga desisyon. sa ngayon parang ang lalabas ay babase na lang tayo pagandahan ng tv ad at iba pang mga gimik. traditional politics pa rin ang namamayagpag.

    [Reply]

Leave A Comment...

Blog Widget by LinkWithin