Hindi naman siguro ganito ka-tanga ang Filipino.
Sa pinakabagong survey ng Pulse Asia lumabas na tabla na sina Senador Manny Villar at dating Pangulong Joseph Estrada. Sa aking palagay hindi naman siguro totoong tumataas pa ang rating ng dating pangulo. Hindi naman siguro ganoon ka-bobo ang mga Pinoy para pagkatiwalaan pa si Estrada sa kabila ng nangyari sa kanyang administrasyon noon.
Sa mga nag-iisip, palagay ko bistadong bistado naman kung ano na naman ang panibagong gimik na ito. Pero para sa mga hindi makasunod, ganito yan. Posibleng sadyang pinalalabas ng survey na ito na umaabante si Estrada para lalo pang mahikayat ang mga uto-uto nating mga kababayan na bumoto ayon sa baluktot na konseptong “lesser evil.” Napuna siguro ng mga nasa likod ng sarswelang ito na hindi pa rin tiyak ang tagumpay ni Senador Noynoy Aquino kung itatapat siya kay Senador Manny Villar kahit pa sabihing marami ang bumibili sa ideyang “lesser evil.” Ako man kung talagang si Aquino at Villar lang ang pagpipilian, si Villar na ang aking iboboto. Di hamak namang mas kakayanin siguro ni Villar na tumayo sa sarili niyang kakayahan at manindigan sa harap ng mga taong nakapaligid sa kanya. Duda ako kung kaya iyon ni Aquino.
Kung miyembro ako ng makinarya ni Aquino, ganito rin ang aking irerekomendang istratehiya. Imbis na si Villar, si Estrada na lang ang palalabasin kong pinaka-mahigpit na kalaban ni Aquino. Kung tutuusin nga naman kung sa ganitong tapatan mas madali sigurong ma-uuto ang mga tao na si Aquino na lang ang iboto. Sino nga ba naman ang boboto pa kay Estrada sa panahong ito kung hindi ang mga talagang kulang sa tamang pagiisip. Hindi naman siguro kulang ang pagiisip ng mas marami sa atin? Ewan ko lang baka mali rin ang tantya ko.
Pero sa totoo lang bakit nga ba tayo magpapaniwala sa mga survey na ito? Kitang kita naman na may sinusundang script ang mga ito. Mas maniniwala pa ako sa mga survey na isinagawa sa iba’t ibang paaralan kung saan ang kadalasang nanguna ay sina Senador Richard Gordon at dating Defense Secretary Gilbert Teodoro. Bakit nga ba mas naniniwala ako sa mga naturang survey? Unang una, harapan itong ginawa at agad na nalaman ang resulta,. Malinaw na malinaw na may mga tinatawag na respondent. Sa mga isinagawa (daw) na survey ng Pulse Asia at Social Weather Station meron nga kayang respondent? Duda ako dahil sa tagal kong ito sa mundong ibabaw wala pa talaga akong nakikilalang taong na-survey ng dalawang kumpanyang ito. Kahit pa kakilala na may kakilala na may kakilalang na-survey noon o ngayon wala rin.
Kung ako sa inyo, tingnan nyo na lang ang mga survey na ito na parang libangan. Para bang yung mga paborito ninyong teleserye o yung mga noontime game show kung saan kailangan magmukha ka munang tanga bago ka ma-premyuhan. Nakakalibang naman kasi talaga di ba kung papaano nila nilalaro o binabago ang kanilang script. Kung dati Aquino vs. Villar ngayon naman Aquino vs. Estrada.
Uunahan ko na ang mga survey company na ito at baka sakaling makita nila na bistado na ang kanilang sarswela at maisip nilang tigilan na lang ang pinaggagagawa nila.
Sa aking palagay sa mga susunod nilang survey si Estrada na ang number 2 at number 3 na lang si Villar. Posible pa nga na palabasin nila na nauungusan na ng dating pangulo si Aquino. Siempre nga naman para mas maging malakas ang hatak ng ideyang “lesser evil.” Sa totoo lang hindi ako magugulat sakaling gawin nila ito lalo na’t mukhang dumarami na ang nagigising sa katotohanan na marami pang mas karapat dapat kaysa kay Aquino para sa panguluhan ng ating bansa.
Panalangin ko huwag naman sanang mag-tanga-tangahan ang mga Pinoy.






TUMPAK!!
[Reply]
eh mas iboboto ko pa si erap kesa kay noynoy kung silang dalawa lang ang pagpipiplian; at least si erap, kilala na nya mga gumago sa kanya, konti na lang makapang-uuto sa kanya; tsaka iisipin na lang nya kung paano ireredeem sarili nya bago sya umalis dito sa mundo
[Reply]
Sorry and sad to say that marami talagang tanga at bobo na mga Filipino ngayon dahil bilib na bilib sila kay Erap. Yuong iba na nakausap ko sa palengke lalo na ang mga lalake Iboboto daw nila si Erap dahil macho. Yuong iba naman ay dahil sa makamahirap si Erap.Hindi na nila inisip na wala ng karapatan na bumalik pa si Erap dahil he had a chance but he blew it up.
Wala naman siyang ginawa kundi, Magsugal, maglasing at mambabae.
Imagine, pati buhangin from Boracay iniroplano pa para dalhin sa Boracay mansion.Hindi na tayo nadala at madali tayong makalimot.
KAWAWANG PILIPINAS ….
[Reply]
I am all out for Senator NONOY AQUINO because ang isa sa kanyang plataporma ay hindi siya MAGNANAKAW. Yon lang ay napalaki nang tulong sa Pilipinas sapagkat nakapalaking pera ang nawawala sa kaban ng Bayan because of CORRUPTION.
And this can be used on HEALTH CARE,EDUCATION,HOUSING, LIVELIHOOD PROGRAMS,EMPLOYMENTS and other projects to uplift the Filipino lives.Pag Busy lahat ang mga tao sa kinilang mga kabuhayan, may trabaho, may lupa at bahay,siempre huhulugan nila ang kanilang mga lupa at bahay at mayroon sa silang ibabayad dahil sa may mga trabaho sa sila at ang mga anak naman nila ay mga nag-aaral ,magkakaroon ng Peace and Order dahil mababawasan ang mga rebelde at mga nangugulo sa pamahalaan dahil karamihan ay kuntento na sa kanilang buhay at kasama na nila ang kanilang mga pamilya at mahal sa buhay. Mayroon ng kapayapaan sa ating Bansa.At marami ng mga Investors na pupunta sa PIlipinas dahil may Peace and Order na sa Ating Bansa at nabawasan na ang CORRUPTION .
Puede na siguro ang STUDY NOW PAY LATER…
Hindi tayo dapat umasa lang sa mga ating mga leader dapat tayo ay magbago din. Dapat tulungan natin ang ating Bayan para umunlad .WE should ask ourselves on what we can do for our Country and not what our Country can do for us.
[Reply]
bp Reply:
May 5th, 2010 at 8:40 am
lolita,
one man promises not to steal and you think that will suddenly put a stop to government corruption? consider also the fact that what he said was just a promise. andplease don’t use the word “plataporma” when referring to noynoy. he hasn’t got one.
[Reply]
Dr. Sunglao, paano mo papaniwalaan ang taong nagsasabing hindi raw sya magnanakaw, kung sa nakaraang labindalawang taon sa congreso at sendao ay ninakawan niya tayo? How? he was elected into a position which primary function is to make laws. Has he made one (primarily authored)? No, not a single law. In short, sumusweldo sya for 12 years kahit hindi nya ginagawa ang trabaho nya. Hindi ba’t pagnanakaw din ang tawag doon? Gusto mo bang magtapon ng buwis for the next 6 years para magpasweldo ng ganyang klaseng presidente?
I hope your answer is no. Dahil kung yes ang sagot mo, kawawa naman ang Pilipinas. Kung no naman ang sagot mo, I think it’s about time to change your choice for president. It’s not too late. 3 days pa before may 10.
[Reply]
kung ke Erap.. ke Noynoy na lang ako.. unghang ka ba eh magnanakaw yang erap na yan….
Naku, itigil na ang argument na to, dahil lahat ng manok ninyo talo na.. accept the fact that Noynoy will win!
Walang mapipikon.. right ko yon… di vah!
O bat’ di na updated ang”better”.. website nyo…
natangap na ba ninyo na talo na kayo!
[Reply]
bp Reply:
May 7th, 2010 at 11:13 pm
roquita,
sinong napipikon? i don’t know about you but me? i’m just amused by comments such as what you’ve just left.
i’ll update the site when i’m not busy.
[Reply]
bp Reply:
May 7th, 2010 at 11:14 pm
roquita,
btw, why do you have to change your name? you used to go by jansen.
[Reply]
Last April 27, 2010, I wrote a post entitled “Bloggers’ Choice This Coming 2010 Election “and this post contained a poll. The poll is about who among the candidates running for president and vice-president were chosen by different Filipino bloggers. I want to thank the bloggers who voted, participated and commented on this poll, as a matter of fact, a total of 211 bloggers participated. As of 1:45 p.m today, May 7, 2010, I officially closed the poll, and now I present to you the results. Please click the link
http://www.semidoppel.com/bloggers’-choice-the-results/
[Reply]
dalawang klase ang pagnanakaw sa ating mga mamayan!
1. material at pera
2. moralidad
traditional politicians ang naka line-up o di man ay nakapaligid sa mga nangungunang mga candidato bukod pa sa mga pamilyar na familia at kaanak na kakandidato!
ibig sabihin sila-sila din at sila-sila pa ulit at ulit!
ang magnanakaw walang pili pero lahat nanakawin!
piliin ang may naipakitang nagawa na at may pinangakong plataforma at pagtupad kapag nanalo.
[Reply]