Better Philippines » presidential bid

Isang Pakiusap Kay Estrada
Dear Erap,

Nananawagan ako sa iyo na huwag ka na sanang tumakbo para sa pagkapangulo. Nakikiusap ako na kung maaari lang sana ay isipin mo ang mas nakakabuti para sa sambayanang Pilipino. Kung maaari ay mas isipin mo na lang kapakanan ng mga kababayan mo kaysa ang pansariling interes.

Wala namang duda na kahit papaano ay malakas pa rin ang hatak mo sa mga tao. Wala ring duda na marami pa rin ang nahuhulog sa iyong diskarte. Malinaw na malinaw rin na alam mo rin ito. Sa katunayan naisip mo pa ngang gawin sa masang masang lugar tulad ng Tondo ang iyong pagdedeklara ng kandidatura. Kitang kita rin sa mga binitawan mong salita ang mala-showbiz mong atake para makuha ang simpatiya ng mga taong dati mo nang pinangakuang iaangat mula sa kahirapan.

Nakikiusap ako sa iyo Erap. Huwag ka nang tumakbo. Higit sa lahat nakikiusap ako na huwag mo namang tratuhing tanga ang mga hindi tanga at lalong huwag mo namang pagsamantalahan ang mga tatanga tanga. Huwag ka nang tumakbo Erap. Kung totoong gusto mo talagang tumulong sa mahihirap magagawa mo naman ito bilang isang pribadong mamamayan. Sa dami ng iyong pera marami kang pwedeng gawin. Bigyan kita ng ilang suhestiyon:

magpatayo ka ng mga paaralang magbibigay ng libreng edukasyon sa mahihirap

magsimula ka ng sarili mong programa para turuan ang mga mahihirap na tumayo sa sarili nilang mga paa; maaari mong ituro sa kanila kung paano magpayaman (pwede ring iba na lang ang magturo)

mamahagi ka ng pondong pang-puhunan para sa mga mahihirap; gayahin mo ang Grameen Bank (napakagandang programa nun)

magtayo ka ng negosyong makapagbibigay ng trabaho sa napakaraming tao; gayahin mo si Cecilio Kwok Pedro, ang may-ari ng Hapee Toothpaste

magtayo ka ng mga komunidad para sa mga mahihirap tulad ng Gawad Kalinga

magpatayo ka ng mga hospital na magbibigay ng libreng serbisyo sa mga mahihirap

Kita mo naman. Marami rami na rin ang mga suhestiyong naibigay ko. Sigurado ako kaya mo ring makaisip ng iba pang proyekto na pwede mong gawin para makatulong kahit pa hindi ka presidente ng Pilipinas.

Seryosong panawagan ito Erap. Kung totoong mahal mo ang mga mahihirap, igagalang mo sila at hindi mo sasamantalahin ang kanilang kakulangan sa edukasyon. Hindi mo ipiprisinta ang sarili mo sa kanila bilang kandidato kahit pa alam mo namang mahihirapan kang tumanggi sa mga mala-lintang personalidad na nasa paligid mo (ganyan naman talaga ang barkadahan di ba?) sakaling manalo ka. Hindi mo rin sila paaasahin sa wala.

Tama na sana ang nakapaglingkod ka bilang mayor,  senador at pangulo noon kahit pa hindi mo nga natapos ang iyong termino sa Malacanang. OK na iyun.  Kung ako sa iyo tutulong na lang talaga ako bilang pribadong mamamayan. Mas masarap iyon at hindi ka pa masyadong mabuburyong dahil walang babatikos sa iyo. Tinitiyak ko rin sa iyo na sa ganitong paraan mas higit mong maibabalik ang bango ng pangalang Estrada.

Ano? Pwede mo bang mapagbigyan ang aking pakiusap? Umaasa ako na kahit papaano ay pagiisipan mo ang mga suhestiyon ko. Gusto ko lang naman sana kasi na makita ko na talagang mahal mo ang Pilipinas at gagawin mo ang tunay na makakabuti para dito.

Salamat.