Better Philippines » hindi ako uto-uto movement

Sino Ang Mas Nakakatulong Kay Escudero?
Nakarating sa aking atensyon ang isang Facebook entry na ito mula sa isang taga-suporta ni Senador Francis Escudero. Mula ito sa isang Annie Reyes. Narito ang buong tugon niya sa aking blog entry na ginamit ng inquirer.net para sa kanilang Being Filipino blog.

To LPGD:Dahil hindi patok sayo ang mga sagot ni Chiz sa forum at pinalakpakan siya ng masa, mga bobo na ang mga supporters niya? Hindi ikaw ang pinaka-matalinong tao sa balat ng lupa.

Mahirap aminin para sayo na malakas talaga si Sen Chiz kasi ang manok mo nakahilera kay GMA, Gi Boo! Mantakin mo maski tingin mo walang kwenta ang mga sagot ni Chiz , pero sayo na rin nanggaling, malakas ang palakpak sa kanya. Dapat mag-isip ka ng mas malalim at hindi para kang bobo na konklusyon na sayo, bobo ang supporters niya.

Bakit? Simple lang yun, mas naniniwala at nagtitiwala ang karamihan kay Sen. Chiz. Mas madali maunawaan ang mga sagot niya. Abot niya ang kamalayang pinoy . Sambot ng masa ang gustong ipunto ni Sen Chiz sa mga tanong na ibinabato sa kanya. Sinasagot lang niya ang tanong sa magaang na pangungusap at madaling maintindihan ng masa.

Sa mga sagot at simpleng sundot ni Sen. Chiz laban kay GMA, na kung saan malakas ang palakpak ng tao, hindi kasalanan ni Sen. Chiz na palakpakan siya ng manonood dahil totoo namang maraming galit kay GMA ngayon, ah? Totoong ginalit ni GMA ang sambayanang Pilipino kaya mas marami ngayon, nais makiaalam at makisali para sa pagbabago sa taong 2010.

Consistent lang si Sen Chiz, mula noon hanggang ngayon, na siya ang kinikilalang tunay na kaalyado ng taumbayan laban sa maling gawain ni GMA. Uhaw ang tao sa tunay na kaalyadong lider na lumalaban sa mga mababangis sa pwesto, swapang sa pera ng bayan, nanggigipit ng mga maliliit na mamamayan at kung magkaminsan, pinipitik rin ang may mga sinasabing mamamayan na lumalaban sa tropa ni GMA. At nakikita naming ang katauhan iyon kay Sen Chiz. Iyon ang partida niya.

Kaya pag buka ng bibig niya sa bawat sagot sa tanong, bawat pagsaltik niya, sa pagtahimik niya, pag ngiti niya sa bawa’t katanungan, nakukuha ng masa ang ibig niyang sabihin at kaisa niya ang tao.

Likas na magaling mag-isip, magsalita at makakuha ng atensyon si Sen Chiz, kaya pasensiya ka kung mas marami naniniwala sa kanya. Hindi lahat ng masa nagbabasa ng blogs. Mas malakas pa rin ang sigaw ng taumbayan sa lansangan, palengke, iskinita, kalye, barong-barong , eskuwelahan, kaya pasensiya ka kung mas marami ang bilib kay Sen. Chiz pag dating sa mga gayang usapan.

Walang kasalanan si Sen Chiz, na ng nagsabog ng karisma ang Maykapal, ay nakasalo siya ng malaking porsyento nito, na wala kay Gi Boo at kapos ang iba . Hindi rin niya kasalanan na sa paraan ng pagsagot niya ay magpalakpakan, magsisipol at magsigawan ang manonood, kasi likas niyang talento iyon na alam niya kailan niya gagamitin. Marami sa kanila kapos sa karakter na ito, kaya hindi kataka taka na ang iba di patok sa masa.

Ang simple ng mga tanong sa forum, hindi na kailangan ng malalimang sagot yun. Halimbawa, ano ang huling napanood mong sine. Nagsabi lang siya ng totoo, Kasal, Kasali, Kasalo. Ano ba yan, pati ba naman dun dapat magpakaseryoso pa si Idol ng papanoorin niya. Ang panonood ng sine ay pag aaliw, pagtakas pansamantala sa kasalukuyang pangayayari sa buhay buhay , alangan naming limitahan pa rin niya ang sarili niya sa panonood ng mga pelikulang magbibigay ng leksiyon “Paano ang pagiging presidente, ang pamamahala bilang presidente, eh kung hindi naman yun ang huling pinanood niya. Malay ba natin, noon ay napanood na niya ang mga ganoong pelikula. Nagpakatotoo lang siya sa oras na yon iyo ang huli niyang napanood. At na pick-up ng masa, na simpleng tao pa rin siya na kailangang mag-aliw, na pwede siyang makausap sa kanto, maka-talamitam sa mga isyung magaang at di kumplikado para sa araw araw na buhay. May buhay at pamilya siya pagkatapos ng maghapong pagtatrabaho sa senado, huwag iyon ipagkait sa kanilang mambabatas.

Sa tanong na kung sasama siya sa lapian ni Manny Paquiao kung saka-sakali? Sumagot lang si Sen. Chiz , na ayon sa dikta ng gusto niya, Oo kung ito ay angkop sa paniniwala niya at ito ay makakatulong sa ikagaganda ng bayan pero wag lang isasama. ang nasa Malacanang.. Hindi niya minenos ang kakayahan ni Manny P. bagkus kinilala niya ang kakayahan at pwedeng kontribusyon ni Manny sa bayan. Subalit, sinabi rin niya ang gusto niya na ayaw niya kasama ang nasa Palasyo. May mali ba don? Wala di ba? Ayaw niya kasama si GMA, kasi may foresight at consistent lang si Sen Chiz. Hindi niya kailangang makisakay sa limelight ni Manny P., gaya ng ginagawa ng iba. Simpleng tanong simpleng sagot lang ang binigay niya.

Ano pa? Kung susuportahan niya ang prosecution ni GMA? Tama naman ang sagot ni Sen Chiz na hahayaan niyang managot ang may sala at gumulog ang hustisya sa magiging administrasyon niya kung sakaling tumakbo at manalo siya .

Bakit hindi direktang sinagot yon ni Among Ed, sa halip iniliko niya ang sagot sa kaso ng mga ibang tao na sana raw gumulong ang hustisya rin para sa kanila. Ang tanong lamang ay ang kaso ni GMA. Simpleng tanong simpleng sagot lang dapat.

Ano naman ang sagot ni Gi Boo? Oo, susuportahan niya ang imbestigasyon , KUNG hindi haka haka at kuro kuro ang kaso. Putek, sisihin pa ang mga hapong sila HAKAHAKA at KUROKURO. Lumabas na si Garci sa tape, nalimas na ni Jocjoc ang pera sa fertilizer fund scam bago ang election, kumanta na si Lozada,bumigay na si Abalos at Jdv sa Chinese deal nila, sila HAKAHAKA at KUROKURO pa rin pala ang may kasalanan. Walang pag asa kay Gi Boo na mananagot pala si GMA kung ganon! Patay tayo kay Gi Boo.

Ayan ba ang magandang sagot ni GI Boo? Kala ko matalino siya? Ganyan ba ang matalino, kayhina sa pulsuhan sino ang tama at sino ang gusto ng masa. Sipsip siya at puro pagtatanggol lang kay GMA ang kaya niya. Kahanga hanga ba yun? Na ang dinidiyos niya, uunahin niya si GMA na isang mandaraya, kunsintidor sa mga magnanakaw at isang pambansang sinungaling. Aba, pag siya ang malas na naiupo sa Palasyo sa 2010, itutuloy lang niya ang pagpapahirap ni GMA sa bayan. Ded ang taumbayan kay Gi Boo.

At bakit naman kami matutuwa sa mga sagot ni Gi Boo, ang mga porsyentong contribution ni GMA? Talaga naman dapat yun ang unang gawain ni GMA bilang presidente, ang paangatin ang kabuhayan ng gobyerno at mamamayan. Lahat ng pangulo dapat mag- accomplish ng ganun. Walang extra ordinary dun sa sagot ni Teodoro na yun at sa gawain na yun ni GMA, hindi dapat hangaan yun. Mababasa natin yun sa intenet at mga diaryo, pero ibang usapan kung papaniwalaan natin yun.

Sa totoo lang, nakakabanas ang sagot niya, dahil hindi nararamdaman ng maliliit na tao ang mga porsyentong sinabi niya kung akma sa araw-araw na takbo ng buhay natin. Marahil sa taas ng EVAT nila, ang kaban ng bayan umaapaw, pero kinukupit din ng mga namumuno.

Zero karisma si Gi Boo. Hindi siya nakaka- inspired pakinggan. Bagsak si Gi Boo para sa akin. Pero hindi ko idadamay ang mga naniniwala sa kanya na memenosin ko sila at sasabihang bobo ang naniniwala kay Gi Boo. Lahat tayo may karapatang mamili sino ang papanigan, papaniwalaan at pagtitiwalaan.

Marami sa supporters ni Sen Chiz, hindi mahilig mag-participate sa mga ganitong blogs dahil, una, may napili na kaming magiging lider sa 2010, at iyon ay si Sen Chiz. Magbasa man sila ng mga ganitong usapan, hindi na rin naman mababago ang aming paniniwala at pagtitiwala kay Sen Chiz. Habang tinitira si Sen Chiz ng mga ganitong blogs, lalong lumalakas siya sa mata namin, kasi binabato talaga ang mabungang puno.

Kaya pasensiya ka kung kakaunti lang ang mapapaniwala mo laban kay Sen Chiz. Kasi kami desidido na kay Sen Chiz para sa 2010 Presidency.

Mabuti pa paangatin mo ang manok mo sa pagsasabi ng magagandang nagawa niya kaysa batuhin mo ang mga presidentiables at supporters nila na hindi patok sa panlasa mo, baka sakali makakuha ka pa ng maniniwala sayo…maski konti!

Naiintindihan ko kung saan nagmumula si Annie. Naiintindihan ko na hindi maganda sa kanyang pandinig ang mga pinagsasabi ko sa aking blog entry dahil taga-suporta siya ni Escudeo. Maaari kong respetuhin iyon. Hindi ko nais makipag-away sa mga tagasuporta ni Escudero o kanino man.

Sinimulan ko ang blog na ito na ang layunin ay ang bigyang pansin ang mga bagay bagay tungkol sa ating bansa na maaari pa nating ayusin. Nagbibigay ako ng aking mga obserbasyon at mga suhestyon. Sa lahat ng ito iisa lang naman ang aking pakay ang makatulong sa sarili kong paraan para sa ikauunlad ng ating bayan at ang naisip ko ngang paraan ay ang magsimula ng mga diskusyon tungkol sa mga isyu.

Hindi naiwasan na mahagip ko maging ang mga politikal na usapin lalo pa’t iyan naman ang mainit na isyu ngayon dahil nalalapit na nga ang halalan. Sa totoo lang ayaw ko nga sanang makisawsaw sa mga usaping politikal ngunit narito na tayo kaya’t panindigan na lang natin. Naisip ko na lamang na gawin kong advocacy ang manghikayat ng mga botante na maging mas mapanuri.

May ilang bagay na kailangan linawin sa puntong ito. Sana mabasa mo ito Annie. Kung nais mo ring magbigay linaw bukas din para sa iyo ang blog kong ito.

Una. Kung babasahin mo ang lahat ng mga blog entry ko kahit saan wala kang makikitang indikasyon kung sino nga ba ang aking sinusuportahang kandidato.

Pangalawa. Sino nga ba ang manok ko? Ako lamang ang nakakaalam at wala akong intensyon na ipangalandakan kung sino ang aking iboboto.

Pangatlo. Bakit nga ba hindi ko sabihin kung sino ang sinusuportahan ko? Dahil hindi mahalagang ipangalandakan ko iyon at nais kong maipagpatuloy ang aking layunin na makapanghikayat ng mga botante na maging mapanuri kahit sino pa man ang kanilang napupusuang kandidato.

Pang-apat. Patas ako sa lahat ng mga kandidato at politiko. Lahat sila hindi ko pinagkakatiwalaan. Di tulad ng ibang blogger (at marami sila) hindi ako tagapagsalita ng sinumang kandidato o politiko. Wala akong interes na pinoprotektahan. Sa katunayan makailang beses na rin akong inalok na tumulong sa cyber-campaign ng ilang politiko ngunit tinaggihan ko kahit pa makakatulong sa akin ang perang ibabayad. Hindi ako bayarin ganoon kasimple.

Pang-lima. Ayaw ko ba kay Escudero? Hindi ko masasabing ayaw ko kay Escudero. Sa katunayan ibinoto ko rin siya noong tumakbo siya sa pagka-senador. Ang hindi ko lang gusto sa kanya sa ngayon ay ang patuloy niyang pagsakay sa sentimyentong kontra kay Pangulong Gloria Arroyo.

Bakit hindi ako sangayon dito? Simple lang Annie. Ang eleksyon ay tungkol sa kinabukasan, hindi sa kasalukuyan at lalong hindi sa nakaraan. Ang pinakamahalaga sa eleksyon ay ang makapaghalal tayo ng lider na magdadala sa atin sa mas magandang kinabukasan. Sa kadahilanang ito, hindi ba’t mas nararapat na ang ipinangangalandakan ng ating mga kandidato ay ang kanilang mga plano para sa bayan?

Wala akong planong gamitin ang blog na ito para tirahin si Escudero. Wala akong personal na galit sa kanya. Ngunit plano ko talagang gamitin ang blog na ito para punahin ang lahat ng mga diskarteng politikal na wala namang naitutulong para iangat ang antas ng pagboto ng mga mamamayan.

Pang-anim. May sinabi ba akong bobo ang masa? Wala. Kahit ulit-ulitin pang basahin ang blog entry ko wala akong sinabing ganoon. Pero para wala nang haka-haka sasabihin ko ngayon kung ano ba talaga ang tingin ko sa masa kung saan ako mismo ay kabilang sa maniwala ka man o hindi Annie. Heto ang tingin ko: may matatalinong masa pero may mga bobo rin; may mga nagsisikap mag-isip pero may mga kuntento lamang na magsunud-sunuran; may mga totoong masa pero meron ding nagkukunwaring masa.

Huwag mo sanang gamitin laban sa akin ang isyu tungkol sa kabobohan ng masa. Kung susuriin ang aking blog makikita mo naman na layunin kong magbigay ng mga obserbasyon at suhestiyon. Bakit ko papagurin ang sarili ko sa bagay na ito kung tingin ko bobo ang masa sa pangkalahatan? Ginagawa ko ito dahil naniniwala akong may isip ang maraming tunay na masa.

Pang-pito. Hindi ako kontra kay Escudero per se. Kung tutuusin pa nga mas nakakatulong pa ako sa kanya sa pagpuna ko sa kanyang diskarte. Mas matalino na ngayon ang masa Annie. Marami sa kanila ang hindi na nagpapa-uto. Hindi kaya’t mas nakakasama pa nga ang diskarteng isinusulong mo para sa kandidatura ni Escudero? Hindi kaya’t mas nasa interes pa nga niya na pagbutihin pa ang kanyang diskarte sa pamamagitan ng pagtutok na lamang sa mga plano at plataporma?

Sa isyu ba ng kahirapan ang magiging tugon na lamang ni Escudero ay ang mga pambabatikos sa administrasyon?

Sa isyu ng ekonomiya ito pa rin ba ang magiging tugon niya?

Sa korapsyon ganoon pa rin?

Mga katanungan ito na maaaring hindi naitanong sa katatapos lamang na ANC Leadership Forum ngunit sigurado ako ito ang mga tanong na hinahanapan ng kasagutan ng mga tunay na masa.

Mataas ang pinag-aralan ni Escudero kaya sigurado akong may ibubuga pa siya maliban sa mga batikos. Hindi ako naniniwala na hindi niya kayang maglabas ng malinaw na mga plano para sa ating bansa. Naniniwala ako na kaya niya at oras na gawin niya iyon ang taongbayan na ang maghuhusga kung nararapat ba siyang ihalal sa pagka-pangulo o anumang posisyong nanaisin niya.

Introducing: “Hindi Ako Uto-Uto” Movement
Recent events have inspired me to think of what else can be done for the country aside from blogging for change.

Well, since movements for change seem to be in vogue these days I thought I might as well join the bandwagon.

So here’s my humble attempt.

“Hindi Ako Uto-Uto” Movement

“Hindi Ako Uto-Uto” Movement aims to encourage all Filipino voters to be more discerning in scrutinizing politicians who will run in the 2010 elections.

The discerning voter:

1. is able to see beyond pandering political statements

2. will ignore politicians who do nothing but criticize other politicians to make themselves appear better

3. will avoid all variety shows masquerading as campaign sorties

4. will not accept gifts whether in cash or in kind from politicians

5. will not be content with campaign promises not backed by well thought out, detailed, and clear plans of action

6. will not support candidates who will run their campaign on the strength of song and dance numbers, pageantry and statements pandering to the public’s anger

7. will vilify political ads that offer nothing but motherhood, feel-good statements

8. will support only candidates who are able to provide well thought out and clear platforms or plans for the country

9. will demand from all candidates a clear plan of action to fight government corruption

“Hindi Ako Uto-Uto” Movement believes that by observing the aforementioned ideas the voting public will be able to force political candidates to raise the level of campaigning in this country.

There is no need to sign up with any group to be part of this movement. Just put the ideas stated above into action.

*You may not make changes to this document but you may change how you assess the candidates of your choice.

*You will not receive any fashion accessory in exchange for your cooperation. Be content with the thought that you helped ensure a better future for the Philippines.

www.betterphilippines.com

And here’s the Tagalog version.

“Hindi Ako Uto-Uto” Movement

Layunin ng “Hindi Ako Uto-Uto” Movement na hikayatin ang mga botanteng Pilipino na maging mas mapanuri sa pagkilatis sa mga politikong kakandidato sa halalan sa taong 2010.

Ang botanteng hindi uto-uto ay:

1. hindi nagpapadala sa anumang pambobola mula sa mga politiko

2. hindi makikinig sa mga politikong wala nang ibang ginawa kundi ang manira sa iba pang mga politiko para palabasin na mas matino sila

3. hindi dadalo sa anumang miting de abanse o kampanya na nagmimistulang variety show

4. hindi tatanggap ng anumang regalo — pera man,gamit o produkto — mula sa mga politiko

5. hindi makukuntento sa mga pangakong hindi suportado ng mahusay, malinaw at detalyadong plano ng implementasyon

6. hindi susuporta sa mga politikong idinadaan ang pangangampanya sa pasayaw sayaw, pakanta kanta, pagpapa-cute at pagpukaw sa galit ng mamamayan

7. mapagkutya sa mga political ads na walang laman maliban sa mga mapang-utong pananalita

8. susuporta lamang sa mga kandidatong nakapaglalahad ng malinaw at mahusay na plataporma o plano para sa bayan

9. hihingi sa mga kandidato ng malinaw na plano para sa pagsugpo sa katiwalian sa pamahalaan

Naniniwala ang “Hindi Ako Uto-Uto” movement na sa pamamagitan ng pagsunod sa mga nabanggit na ideya mapupuwersa ng mga botante ang lahat ng mga kakandidatong politiko na itaas ang lebel ng pangangampanya sa ating bansa.

Walang kailangang salihan para maging bahagi ng pagkilos na ito. Gawin lamang ang mga nabanggit sa itaas.

*Hindi mo maaaring baguhin ang nilalaman ng dokumentong ito ngunit pwede mong baguhin kung paano mo kikilatisin ang mga napupusuan mong kandidato.

*Wala kang matatanggap na anumang borloloy bilang kapalit ng inyong kooperasyon. Makuntento na lamang sa ideyang nakatulong ka sa pagtitiyak ng mas magandang kinabukasan para sa Pilipinas.

www.betterphilippines.com

I have uploaded a pdf version of this on Scribd. Feel free to download and distribute.