Lupang Hinirang
Bayang Magiliw
Perlas ng Silanganan,
Alab ng puso
Sa dibdib mo’y buhay.
Lupang hinirang,
Duyan ka ng magiting,
Sa manlulupig,
‘Di ka pasisiil.
Sa dagat at bundok,
Sa simoy at sa langit mong bughaw,
May dilag ang tula at awit
Sa paglayang minamahal.
Ang kislap ng watawat mo’y
Tagumpay na nagniningning,
Ang bituin at araw niya
Kailan pa ma’y ‘di magdidilim.
Lupa ng araw, ng luwalhati’t pagsinta,
Buhay ay langit sa piling mo;
Aming ligaya, na ‘pag may mang-aapi
Ang mamatay nang dahil sa ‘yo.
Panatang Makabayan
Iniibig ko ang Pilipinas,
aking lupang sinilangan,
tahanan ng aking lahi,
kinukupkop ako at tinutulungang
maging malakas, masipag at marangal.
Dahil mahal ko ang Pilipinas,
diringgin ko ang payo ng aking magulang,
susundin ko ang tuntunin ng paaralan,
tutuparin ko ang tungkulin
ng mamamayang makabayan:
naglilingkod, nag-aaral at nagdarasal
ng buong katapatan.
Iaalay ko ang aking buhay,
pangarap, pagsisikap
sa bansang Pilipinas.